DND Sec. Teodoro, nag-iikot sa base militar at bayan sa norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa mga base militar at bayan sa Hilagang bahagi ng bansa.

Binisita kahapon ni Sec. Teodoro ang Munisipyo ng Calayan sa Cagayan kung saan dumalo siya sa isang town hall meeting na pinangunahan ni Calayan Mayor Joseph Llopis at ng Sangguniang Bayan.

Sa araw ding iyon, nagtungo ang kalihim sa headquarters ng 4th Marine “Makusug” Brigade, Philippine Marine Corps, sa Camp Cape Bojeador, Ilocos Norte.

Matatandaang unang nagtungo kamakailan si Sec. Teodoro sa Lal-lo airport sa Cagayan, na isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Sites na ginamit bilang refueling at staging area sa paghahatid ng tulong ng AFP at U.S. military sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Dito’y sinabi ni Teodoro na kailangang pabilisin ang pagkukumpleto sa mga pasilidad sa mga EDCA site para sa mas mahusay na pagsasagawa ng Humanitarian and Disaster Relief Operations sa panahon ng pangangailangan.

Inaasahang bibisita din ang kalihim sa iba pang base militar at EDCA sites sa mga darating na araw. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us