Mahigit 90k mag-aaral sa Muntinlupa, makakatanggap ng Balik-Eskwela kits mula sa LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa higit 90,000 mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ng Muntinlupa ang inaasahang makakatanggap ng mga Balik Eskwela kit mula sa Pamahalaang Lungsod sa pagbubukas ng pasukan sa Agosto 29.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, kinakailangan nilang tiyakin ang kinabukasan ng mga bata sa pamamagitan na masigurong mayroon silang gamit pagdating ng pasukan.

Ang bawat Balik Eskwela kit na ipapamahagi sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School ay naglalaman ng school bag, pares ng leather shoes, walong notebook, lapis at pantasa para sa mga Kinder hanggang Grade 3, at assorted ballpen naman mula Grade 4 hanggang Grade 12.

Nitong mga nakalipas na buwan ay humingi ang Muntinlupa LGU sa mga paaralan at mga guro na magsumite ng shoe sizes ng kanilang mga estudyante.

Binanggit rin ng alkalde na ang pamamahagi nila ng mga Balik Eskwela kit ay upang makatulong sa gastusin ng mga pamilya para sa pambili ng gamit ng kanilang mga anak. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us