DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan upang tiyakin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang Department of Trade and Industry at ang Bangsamoro Ministry of Trade, Investments, and Tourism ng isang Memorandum of Agreement na magtitiyak sa pagkakaroon ng economic growth at development sa rehiyon.

Binigyang diin ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon ng nasabing kasunduan na maisulong ang business development sa mga targeted areas sa Bangsamoro Region.

Positibo naman si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na ang nasabing kasunduan ay magbibigay ng pag-unlad sa rehiyon at magpapataas sa kita at magbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan ng Mindanao.

Target ng nasabing partnership na matulungan ang higit 100 MSMEs na mabigyan ng capacity building, business counselling, at mentorship upang maging Halal practitioners. | ulat ni Gab Villegas

📷: DTI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us