Senate Inquiry sa mga reclamation project sa bansa, dapat nang simulan — lady solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senadora Risa Hontiveros na masisimulan na agad ang imbestigasyon ng senado tungkol sa reclamation projects sa bansa.

Sinabi ito ng senadora kasabay ng pagpapahayag ng pag-welcome sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin ang reclamation sa Manila Bay.

Una nang naghain ng resolusyon si Hontiveros na nagsusulong na mabusisi ang mga napapaulat na large scale land reclamation projects sa buong bansa, kabilang na ang sa Manila Bay.

Giit ng deputy minority leader, dapat maghinay-hinay ang pamahalaan sa mga proyektong nakakasira sa kalikasan.

Ipinunto pa ni Hontiveros na may mga kwestiyonableng kumpanya na sangkot sa reclamation activities, gaya ng China state-owned China Communications Construction Co., na sa nakalipas na mga panahon ay sumira sa marine ecosystems sa West Philippine Sea.

Hindi aniya tayo dapat nakikipagsapalaran sa mga kumpanyang tulad nito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us