Nakipagpulong si Tourism Secretary Christina Frasco sa maritime industry at tourism sector ng Germany upang maipahatid ang tourism programs ng Pilipinas sa naturang bansa.
Sa pakikipagpulong ni Tourism Secretary Christina Frasco kay Dieter Janecek, Coordinator for the Maritime Industry and Tourism ng German Federal Ministry for Economic Affairs ay napag-usapan ng dalawang leader ang pagkakaroon ng mas maayos na training para sa mga tourism front liners ng Pilipinas ng mas maintindihan ng Germany ang mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Frasco na isa rin sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay kung papaano mas mapapaigting ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng people-to-people exchange at pagpapalitan ng mga kaalaman sa pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa ating bansa. I AJ Ignacio