Pinaalalahanan ni House Appropriations Committee Chair Zaldy Co ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking magugugol ng tama ang inilaang mga pondo para sa kanila.
Ayon kay Co, dapat ay gastusin na ng mga ahensya ang ibinigay na pondo sa kanila bago pa abutan ng tag-ulan at election spending ban.
Ngayong Oktubre kasi ay idaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Dagdag nito na dapat ay natuto na ang mga departamento na ayusin ang kanilang absorptive capacity lalo at sa nakaraang budget deliberations ay napuna na ng Kongreso ang maraming proyektong delayed o hindi naipatupad.
“I also remind all departments and agencies to make sure they avoid the election spending ban that comes with the Barangay and SK Elections in October this year and the rainy season that comes from July to September while also following the government procurement law and regulations…During the budget hearings, Members of Congress kept noting the billions worth of projects and programs delayed and not implemented. We should have much fewer delays and non-implementation this year,” saad ni Co.
Para sa AKO BICOL party-list solon, malaking tulong na magastos at maipatupad ang naturang mga pondo lalo na sa infrastructure projects dahil nakalilikha ito ng trabaho.
“Most of the over ₱5-trillion national budget can give jobs to the unemployed, including the 334,000 construction workers who were jobless in January 2023 because they were not hired during the 2022 year-end seasonal dip in government spending,” paliwanag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes