Pagtatanim ng mga mosquito repellant plant, isinusulong ng Bugallon LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapigilan ang pagdami pa ng mga tinatamaan ng sakit na dengue sa kanilang bayan, isinusulong na rin ng LGU Bugallon ang pagtatanim ng mga halamang mabisa aniyang pangontra laban sa mga lamok.

Kabilang sa mga tinaguriang mosquito repellent plants na tinukoy ng LGU ay ang lemongrass o tanglad, basil o balanoy, rosemary, lemon balm, catnip at marigold.

Aniya, makakatulong ang mga nabanggit na halaman upang maiwasang pamalagian ng mga lamok na siyang may dala ng dengue virus ang paligid ng mga tahanan.

Kasabay naman nito, muling hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa kanilang bayan na ugaliin ang paglilinis ng kanilang kapaligiran upang mas mataas ang tyansa na makaiwas ang mga ito sa sakit na dengue.

Gayundin, pinaalalahanan ang mga ito na kapag nagkaroon ng lagnat ay huwag mag-atubiling magpa-Dengue Test.

Ayon kay Bugallon Mayor Priscilla Espino, ang kanilang mga rural health unit (RHUs) ay mayroong test kits upang matukoy kung mayroong dengue ang isang indibidwal.

Ito ay libre hangga’t mayroon pang suplay kaya naman dapat ay samantalahin ito ng mga residente. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

📷 Mayor Priscilla Espino/MDRRMO Bugallon

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us