Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang buong suporta ng kagawaran sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAG).
Ang pahayag ay ginawa ni Teodoro, na siya ring Vice Chairperson ng NTF-DPAG sa kanilang ika-13 oversight meeting sa Western Mindanao Command Headquarters sa Camp Navarro, Zamboanga City kahapon.
Sa pagpupulong, sinabi ni Teodoro na mahalagang tutukan, hindi lang ang pagbuwag ng mga pribadong armadong grupo, kundi maging ang mga grupong gumagawa ng iligal na armas.
Binigyang pansin ni Teodoro ang paglahok sa pagpupulong ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo, Jr., na aniya’y pagpapakita ng interes ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa progreso ng kampanya kontra sa mga PAG.
Kasama din sa pagpupulong sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at NTF-DPAG’s Chairperson Benjamin Abalos, Jr. at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez, Jr. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND