Tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cabinet members nito upang matugunan ang galaw ng inflation sa bansa.
Ayon sa PCO, pinagtutulungan ng Pangulo at mga miyembro ng gabinete ang pagbalangkas ng mga kaparaanan upang harapin ang inflation na kung saan, tumaas ito ng 6.1% nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.
Sinabi ng PCO na ilan sa mga hakbang na pinagsisikapan sa kasalukuyan ay ang magkaroon ng long term investments sa irigasyon at makabagong pamamaraan ng pagsasaka na tiyak aniyang makapagbibigay ng suporta sa agricultural community.
Dagdag ng PCO na pilit ding ginagawan ng tugon ng Pangulo at Cabinet members na mapagaang ang transportation costs.
At sa harap ng mga hamong posibleng kaharapin ng tumaas na inflation noong nakaraang buwan, inihayag ng PCO na committed ang Marcos administration na ito’y tugunan habang ginagawa ang pagtulong sa mga sektor na kailangangang maalalayan sa pamamagitan na din ng tulong pampinansiyal at iba pang programa gaya ng food stamp program, fuel subsidy sa mga namamasada, at ayuda sa mga mangingisda at mga magsasaka. | ulat ni Alvin Baltazar