Malaya Rice Project, target masimulan ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Kamara masimulan ang Malaya Rice Project ngayong buwan ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Kasunod na rin ito ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pamamahagi ng bigas, partikular sa National Capital Region (NCR), matapos alisin ang price cap.

Ayon kay Romualdez, magsisilbing pilot program ang 33 congressional districts sa NCR.

Isusumite ng NCR congressmen ang listahan ng 10,000 indigents sa kani-kanilang distrito.

Makakatuwang sa porgrama ang DSWD kung saan kada benepisyaryo ay makakatanggang ng ₱1,500 na tulong pinansyal.

Ang ₱570 dito ay pambili ng 15 kilo ng bigas at ang nalalabi ay para pambili ng iba pang pangangailangan.

Oras na maging matagumpay ay sunod itong ikakasa sa iba pang Metro areas gaya ng Cebu at Davao pati sa rice producing areas para makinabang din ang mga magsasaka na mabili ang kanilang ani. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us