Kamara maglalaan ng ₱3-B pondo para sa development projects sa Pag-asa, Kalayaan Group of Islands — House Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maglalaan ang Kamara de Representates ng ₱3-billion para sa development projects ng Pag-asa Island.

Ginawa ni Romualdez ang komitment kasunod ng kanyang pagbisita sa West Philippine Sea kasama ang ilang mga kongresista at mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa House leader, ang naturang halaga ay para sa airport reclamation extension, naval port, at fishing sanctuary para sa mga Filipino fishermen.

Sa isang press conference, tinanong si Speaker Romualdez kung makakakuha ba ang Pagasa Island ng bahagi mula sa bilyong pondo ng confidential funds na inaasahang ire-realign ng Kamara, sagot  nito na asahan na makikinabang ang Pag-asa at Kalayaan Group of Islands ng suporta mula sa  2024 Pambansang Budget.

Ayon pa kay Romualdez, layon ng kanilang pagbisita sa isla na makita ang maaari pang pagpapahusay ng Pag-asa Island facilities.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us