Mga residente ng Tangalan, Aklan at mga karatig nitong bayan, excited na sa ipamamahaging ayuda ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Excited na ang mga residente ng Tangalan, Aklan at mga karatig nitong bayan sa iba’t ibang ayuda na ipamamahagi ng pamahalaan na pangununahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga maagang tumungo sa lugar si  Yano Nobano mula sa Makato, Aklan na inaasahang makakatanggap ng financial assistance mula sa DSWD.

Ayon sa kanya, malaking tulong ang kanyang matatanggap na ayuda mula sa pamahalaan para maipagpatuloy ang kanyang therapy sa kanyang biglang pagkalumpo na tumagal na nang apat na buwan.

Bukod kay Yano, maaga ding tumungo ang mga residente ng Bagong Barrio, Makato para sa ayuda na ipapamahagi ng National Housing Authority.

Asahan din mamaya ang pamamahagi ng fiber boats at iba pang gamit sa pangingisda at pagsasaka.

Ngayon pa lang, dama na ang galak ng mga Aklanon dito sa Tangalan sa pagkakataong makita ang pangulo at iba pang opisyal ng pamahalaan.| ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us