Mahigpit pa ring tinututukan ng binuong Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang sitwasyon ng demand at suplay sa bansa
Ito ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ay matapos maitala ang 6.1 percent na inflation rate noong buwan ng Setyembre, na mas mataas kumpara sa 5.3 percent noong Agosto.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa pamamagitan ng pagtutok sa demand-and-supply situation, mabibigyan ang Pangulo at kanyang gabinete ng akmang rekomendasyon sa mga polisiyang dapat ipatupad.
Paliwanag nya, hindi lang local market ang kanilang binabantayan kung hindi maging global market pagdating sa price movement.
Samantala, sinabi naman ni Balisacan, na kung tataas pa ang presyo ng bigas dahil sa epekto ng El Niño at rice export ng bansa sa mga rice-exporting country, maaaring muling aralin ang panukalang pagpapababa sa taripa ng mga aangkating bigas.
Pagtitiyak naman ng NEDA, habang nagpapatupad ng short-term measures ang pamahalaan sa pagtugon sa inflation, patuloy din ang ginagawa ng pamahalaan na pagtuton sa long-term food supply issues sa pamamagitan ng pagtulong sa mga lokal na magsasaka para mapalakas ang kanilang mga ani. | ulat ni Jaymark Dagala