Nagsimula na ang tatlong araw na Philippine Experience (PhilEx) sa Bicol. Sinimulan ito sa Lalawigan ng Sorsogon, mismo sa pagbubukas ng Kasanggayahan Festival sa lugar.
Si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang panauhing pandangal at tagapagsalita, kasama ang buong team ng kalihim. Mismo si Department of Tourism Bicol Regional Director Herbie Aguas, ang kasabay ng kalihim sa iba’t ibang stop over.
Unang pinuntahan ng grupo, ang Sorsogon Provincial Gymnasium para sa enggrandeng pagbubukas ng Kasanggayahan Festival 2023, sa Sorsogon.
Sunod na tinungo, ang makapigil hiningang viewing sa Bulusan Lake at Bulusan Volcano Nature Park. Pumunta rin sa Barcelona Church and Ruins, bayan ng Barcelona. Mula Sorsogon, sumaglit din sa Albay para sa kanilang dinner sa Pepperland Hotel, Legazpi City na pinangunahan ni Governor Edcel Greco Lagman.
Layon nitong, mapadali at mapabilis ang cultural tourism circuit development sa rehiyon at bansa sa pangkalahatan. Nakatuon ito sa heritage, culture, and arts upang lalong mapalakas ang kasalukuyang tour and domestic offerings sa iba’t-ibang lugar sa Bicol at bansa. Kabilang sa mga pinuntahan ng kalihim ang mga accredited tourism stakeholders, investors, diplomats, at kalahok na LGUs sa programa. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay
Photo: DOT 5