Kinumpirma ni Tribal Chieftain Emilio Rabago ng Saguigui Tribal Council na umaabot na sa 100 libong mga kape ang nakatanim at namumunga na sa Brgy. Saguigui ng bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Paliwanag nito na ngayong taon ang unang beses na namunga na ang mga kapeng Liberica, at Excelsa na pawang nabubuhay sa low land area. Ang kapeng Robusta naman ay mahuhuli sa pamumunga.
Isiniwalat ni Rabago na ang naging programa ay nasa ilalim sa pamumuno ng dating gobernador na si Sen. Imee Marcos at ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Gov. Matthew Marcos Manotoc kasama ang dating ENRO Officer noon na si Mrs. Baby Sacro at ang bagong opisyal na si Mrs. Tonette Killa.
Nabatid na kailangan pang sumailalim sa training ang miembro ng Tribal Council para sa pagproseso ng produktong kape. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag