Kabuuang isang libong personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang idedeploy sa mga sementeryo sa araw ng Undas.
Sinabi ni BFP-National Capital Region Senior Supt Rodrigo Reyes, partikular na magtatalaga ang BFP ng medical teams sa 66 na stations sa Metro Manila hanggang Nobyembre 2.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magdedeploy din ang BFP ng mga motorcycle ambulance,
4 sa Malabon City, 2 sa Valenzuela City at tig-1 sa iba pang lugar.
Para makaiwas naman sa sunog, pinayuhan ang publiko na magtutungo sa sementeryo na tanggalin ang mga saksakan ng kuryente, i-switch off ang mga ilaw at appliances at huwag mag-iwan ng sinding kandila.
Samantala, kanselado na ang day-off at bakasyon ng mga tauhan ng BFP hanggang matapos ang Undas. | ulat ni Rey Ferrer