Tuluyan na ngang nagsara ang gate ng Manila South Cemetery para sa mga bisita ngayong All Saints day, November 1.
Bago tuluyang magsara ang gate kaninang alas sais ng gabi ay nagkaroon muling nag anunsyo ang pamunuan ng sementeryo at nagkaroon pa ng countdown para sa mga nais pang humabol.
Pero ilang minuto lang matapos isara ang gate ay may ilan pa ring nagpipilit na makapasok at makapagsindi ng kandila para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang ilan sa kanila, idinadahilan ang layo ng pinanggalingan at biyahe habang ang ilan naman ay hindi daw alam na hanggang alas singko lang bukas ang nasabing sementeryo.
Strikto naman ang mga pulis na huwag nang magpapasok kahit anong pakiusap ng mga nais pang makapasok.
Muli namang paalala ng pamunuan ng sementeryo, hanggang 7pm lang pwedeng manatili sa loob ang mga bumibisita at papaalisin na rin sila ng mga pulis.
Sa datos ng Manila South Cemetery, hanggang kaninang alas sais ng gabi ay umabot sa 450,000 ang mga nagpunta ngayong araw sa sementeryo, mula kaninang alas sais ng umaga.| ulat ni Nimfa Asuncion