Isang nawawalang senior citizen, inasistehan ng makauwi ng Makati BFP at manila PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang senior citizen na bumisita sa Manila South Cemetery ang humingi ng tulong sa Makati Bureau of Fire Protection para makauwi sa kanyang tahanan.

Ayon sa BFP Makati, pasado alas sais ng gabi ng magtungo sa Makati Central Fire Bureau ang 80-year old na si Tatay Alfredo Caminong para humingi ng tulong na makauwi sa kanilang tahanan.

Sinamahan ng isang security guard si Tatay Alfredo dahil hingal na hingal na ito at nakatungkod pa.

Sa kabutihan palad, alam naman ni Tatay Alfredo ang kanilang address at napag-alamang nakatira siya aa Barangay 787 Zone 86 sa may San Andres, Bukid.

Sa salaysay ni Tatay Alfredo, kasama niyang nagtungo sa Manila South Cemetery ang kanyang asawa at hinanap ang puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Hindi nila nakita ang puntod ng kanilang kaanak at bandang alas dose ng tanghali ay nagkahiwalay sila ng kanyang asawa matapos itong may bilhin sandali.

Sa ngayon ay ihahatid na ng Makati BFP si Tatay Aflredo sa kanyang tahanan sa San Andres, Manila sa pakikipag-uganayan sa Manila PNP.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us