Nilinaw ng tanggapan ni Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo kung bakit hindi ito nakalagda sa ipinasang House Resolution 1414.
Ang naturang resolusyon ay patungkol sa pagtindig para sa integridad at dangal ng House of Representatives at paghahayag ng patuloy na suporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.
Sa walong deputy speaker ng Kamara, si Arroyo at si Deputy Speaker Isidro Ungab lang ang hindi lumagda.
Nang hingan ng reaksyon si Arroyo, sinabi ng kaniyang opisina na nasa labas ng bansa ang Pampanga solon. Ngunit nananatili ang posisyon nito na suportahan ang liderato ni Speaker Romualdez.
“Former President and now Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo is currently out of the country However, as she always said, she continue to support the leadership of Speaker Romualdez.” tugon ng opisina ni DS Arroyo.
Wala namang tugon pa si Ungab kung bakit hindi ito lumagda sa resolusyon.
Pinagtibay ng Kamara ang HR 1414 bilang pagdepensa sa mga mapanirang pahayag laban sa institusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes