143 na mga indibidwal ang dinala sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan ng Bukidnon dahil sa food poisoning

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 143 na mga indibidwal ang dinala sa iba’t ibang ospital at pagamutan sa lalawigan ng Bukidnon matapos nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain ng panis na bihon sa isang handaan ng kasal sa Sitio Calapat, Barangay Tagbak, Talakag, Bukidnon sa may 3:00 ng hapon, Nobyembre 18,2023.

Ayon kay Kapitan Fedeline Yam-oc ng Barangay Kibangay, Lantapan, Bukidnon na karamihan sa mga biktima ay residente ng Sitio Kibuda ng Barangay Kibangay na dumalo sa nasabing kasal at ang mga biktima ng food poisoning ay dinala sa iba’t ibang ospital at pagamutan ng lalawigan;

Bethel Hospital – 8

St. Jude Hospital – 8

Polymedic Hospital Malaybalay – 32

Bukidnon Provincial Hospital Maramag – 5

Bukidnon Provincial Medical Center – 27

Aglayan Midway Clinic – 9

Gonzales Medical and Surgical Clinic – 16

Polymedic Hospital Valencia – 29

Kibangay Health Center – 9

Samantala, ayon kay Kagawad Richard Pasal nagdeklara na ng State of Emergency ang kanilang barangay para magamit ang calamity fund sa pagtulong sa mga pangangailangan ng mga biktima ng food poisoning. | via Cocoy Medina | RP1 Cagayan de Oro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us