Hindi magpapakalat ang Pasay City ng mga sasakyan ngayong araw sa kabila ng transport strike ng grupong PISTON.
Ayon kay Jun Tadios, ang Pasay City PIO, ito ay para bigyang-daan ang mga jeepney drivers na hindi lalahok sa tigil-pasada para kumita ng pera.
Sa kabila nito, mayroon naman umanong naka-standby na mga sasakyan sa Pasay City Hall na ide-deploy sakaling kailanganin.
Matatandaang ngayong araw ang simula ng tatlong araw na tigil-pasada ng PISTON para tutulan ang deadline ng Jeepney Modernization Program sa katapusan ng taon. | ulat ni AJ Ignacio