Binigyang halaga ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pag-unlad ng Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ni Diokno sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council (ABAC).
Ayon sa kalihim, nakahanda ang administrasyong Marcos Jr. na suportahan at makipagtulugan sa private sector tungo sa tunay na inklusibo at sustainable na paglago.
Aniya, dahil sa maayos na kolaborasyon ng public at private sector, itinutulak nito ang innovation at pagpapaganda ng buhay ng bawat isang Pilipino.
Kaya importante, aniya, sa APEC member economies na maging magkakaugnay gaya ng ABAC Meeting dahil kritikal ito upang matiyak ang kaunlaran at seguridad para sa lahat ng ekonomiya.
Kabilang sa shared vision ng APEC ang makamit ang isang “open, dynamic, resilient and peaceful Asia-Pacific community” sa taong 2040 para sa ikauunlad ng mga susunod na henerasyon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes