Muling itinutulak sa Kamara ang pagbibigay ng ₱10,000 na tulong pinansyal sa kada pamilyang Pilipino.
Sa ilalim ng House Bill 7698 o “Sampung Libong Pag-asa Law” ni Taguig-Pateros 1st District Representative Ricardo Cruz Jr., ang kada pamilyang Pinoy na nangangailangan ng “assistance” ay tatanggap ng “one-time cash aid” na ₱10,000.
Ang DSWD ang mangunguna sa pagpapatupad ng programa sa pamamagitan ng pagtatatag ng ng hotline, website at mobile application.
Magiging prayoridad para sa naturang economic support ang:
– Poorest of the poor;
– Senior citizens;
– Persons with disabilities o PWDs;
– Solo parents;
– Mga manggagawa na displaced, retrenched o separated, o nawalan ng trabaho sa panahon ng COVID-19 pandemic, kasama ang mga freelancer; tsuper ng pampublikong transportasyon; may-ari o kawani ng maliliit na negosyo tulad ng sari-sari stores, palengke, food carts at iba pa; mga magsasaka at mangingisda; mga family driver at kasambahay; at sub-minimum workers;
– Medical frontliners kasama ang Barangay Health Workers;
– Pamilya ng Overseas Filipino Workers;
– Iba pang hindi nakatatanggap na ayuda mula sa Social Amelioration Programs ng pamahalaan;
– Mga Pilipino na mayroong National ID;
– At iba pang bahagi ng vulnerable sector.
| ulat ni Kathleen Jean Forbes