Training regulation para sa child development workers ng TESDA, pinanukalang mapondohan sa ilalim ng 2024 Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senador Sherwin Gatchalian na sa ilalim ng panukalang 2024 Budget ay imamandato sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagkakaroon ng training regulation para sa mga child development workers (CDWs).

Ito ay matapos aniyang tanggapin ng Senate Committee on Finance ang panukala niyang maglagay ng special provision sa 2024 General Appropriations Bill para bigyang prayoridad ng TESDA ang pagbuo ng training regulation para sa Early Childhood Care and Development (ECCD).

Gagawin ito ng TESDA sa tulong ng ECCD Council, at sasaklawin ang mga kasalukuyan at mga susunod na CDWs.

Batay sa pananaliksik ng tanggapan ng senador, 16% o 11,196 ng kabuuang bilang ng CDWs ang mga high school graduates.

At dahil sa mahalagang papel ng ECCD, binigyang-diin ni Gatchalian na mahalagang tiyaking may sapat na kakayahan ang mga child development workers sa pangangalaga ng mga bata kaya dapat bigyan sila ng pagkakataon para sa upskilling.

Iaangat aniya ng training regulation at certification ang kanilang kakayahan at makatutulong rin ito para magampanan nila ng mas mabuti ang kanilang ang mga tungkulin. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us