Bagong Special Ops Group-Strike Force, inilunsad ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinaigting ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon nito sa EDSA Busway sa tulong ng inilunsad na bagong Special Operations Group-Strike Force.

Ito’y matapos i-restructure ang New Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit na pinangunahan noon ni Colonel Bong Nebrija na suspendido sa ngayon.

Pangangasiwaan ni MMDA Overall Head Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas ang bagong strike force kung saan makakatuwang nito si Deputy OIC Gabriel Go.

Ngayong araw, nagsimula nang i-deploy ng MMDA ang strike force na nagsagawa ng operasyon sa bahagi ng EDSA Busway Ortigas Stop na nasa tapat ng SM Megamall.

Karamihan ng mga maagang nasampolan sa operasyon ng strike force ang ilang mga naka-motor na umano’y nagmamadali kaya dumaan sa busway.

Natiketan ang mga ito at pagmumultahin ng ₱5,000 sa paglabag sa EDSA Busway policy.

Ayon naman kay Assistant General Manager for Special Operations Group David Angelo Vargas, bilang bahagi ng pinahigpit na pagbabantay sa EDSA busway ay naglagay na rin sila ng mga body cam sa ilang enforcer upang maiwasan na ang pagpapalusot ng mga pasaway na motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us