Naatasan ang Philippine Navy na siyang maghatid ng pamaskong handog ng grupong ATIN ITO para sa mga sundalo na nakahimpil sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ang inihayag ng National Security Council o NSC makaraan ang kanilang naging pagpupulong matapos hindi payagan ang nakatakda sanang Christmas convoy nito.
Sa kalatas na inilabas ng NSC ngayong umaga, bagaman nauunawaan nila ang magandang layunin ng ATIN ITO hindi anila ito akma sa kasalukuyang sitwasyon.
Magugunitang naging kontrobersyal ang makailang ulit na Rotation and Resupply Mission o RoRe ng pamahalaan dahil sa ginawang panghaharang ng China Coast Guard.
Nagpasalamat din ang NSC sa ATIN ITO dahil sa kanilang naising ipaglaban ang soberanya, karapatan at hurisduksyon ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo. | ulat ni Jaymark Dagala