Aminado si Iloilo Representative Janette Garin na dahil sa pagbabago ng panahon ay uso ang sakit na ubo, sipon at trangkaso.
Kasunod na rin ito ng ulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng nasa 200,000 kaso ng influenza-like na sakit kasama ang COVID-19——mas mataas kaysa sa mga nakalipas na bilang na 90,000 cases lang.
Ayon kay Garin na dating naging Health secretary, mahalagang i-monitor ang posibleng presensya ng atypical pneumonia.
Kailangan din aniyang palakasin ang paalala para sa tamang hygiene at pagpapakonsulta.
“It’s expected with the season and the change in weather. However, the possible presence of atypical pneumonia should be monitored. Hygiene reminders and medical consult as the need arises should be available.” ani Garin
Ang mga ospital naman aniya ay dapat nang maghanda ng mga flu at pneumonia treatment.
Kasama rin aniya sa dapat tutukan ng pamahalaan ang isyu sa vaccine hesitancy at mababang vaccine coverage.
“Also important is to request government hospitals, including devolved health care institutions to make available flu and pneumonia treatment remedies. Still, our greatest problem regarding vaccine hesitancy and low vaccine coverage, should be resolved by government.” dagdag ng Iloilo representative. | ulat ni Kathleen Forbes