Nasa 53 pasaway na motorista na dumadaan sa EDSA Bus Lane sa Monumento-Rotonda, nahuli ng MMDA Strike Force

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang operasyon ng bagong special operation group ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na strike force, sa panghuhuli sa mga pasaway na motorista na dumadaan sa EDSA Bus Lane.

Kaninang alas-12 ng tanghali, nagsagawa muli ng operasyon ang grupo sa Monumento-Rotonda sa Caloocan City kung saan umabot sa 53 mga pasaway na mga motorista ang nahuli.

Sa bilang na ito, 32 ang mga motorsiklo, 16 ang four wheels, tatlo ang van, isang public utility bus, at isang public utility jeepney.

Tiniketan at pinatawan ng P5,000 multa ang mga pasaway na motorista para sa unang beses ng kanilang paglabag.

Ayon sa MMDA, mas paiigtingin nila ang kanilang operasyon sa EDSA Bus Lane laban sa mga magpapasaway na mga motorista sa bagong inilunsad na special operation group. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us