Necrological service para sa yumaong dating PNP Chief Cascolan, isasagawa sa Camp Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa mamayang alas-7 ng gabi sa PNP Multi-Purpose Center ang Necrological Service para sa yumaong dating PNP Chief Ret. Police General Camilo Pancratius Cascolan.

Ito ang inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa Pulong balitaan sa Camp Crame.

Si Cascolan na nagsilbing ika-24 PNP Chief mula Setyembre 2020 hanggang Nobyembre 2020 ay pumanaw noong Nobyembre 24 dahil sa “lingering illness”.

Sinabi ni Fajardo, na batay ito sa pagsusuri ng Medico Legal Officer ng PNP.

Paliwanag ni Fajardo, medico legal ang nagsagawa ng pagsusuri base na rin sa kahilingan ng pamilya noong araw na ito ay mamatay dahil out of town ang kanyang attending physician.

Nagkausap naman daw ang medico legal officer at attending physician at nagkasunod naman sila sa kanyang ikinamatay.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na ipauubaya na ng PNP sa pamilya ang desisyon sa pagsasagawa ng autopsy para masiguro ang “cause of death”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us