“OTOP is in the House’ Bazaar, binuksan sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na binuksan ngayong araw sa House of Representatives ang “OTOP is in the House’ Bazaar.

Magkatuwang itong ikinasa ng House Committee on Trade and Industry at Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Batangas Representative Marvey Mariño, Chair ng naturang komite, napapanahon ang pagdadala ng OTOP Bazaar sa Kamara dahil noong nakaraang taon lang nang kanilang dinggin ang panukala, na ngayon ay isa ng ganap na batas.

Katunayan ayon pa kay DTI Assistant Secretary Lenny Baluyot, Officer in Charge ng OTOP Projects, sa December 3 ay pormal nang magiging epektibo ang implementing rules and regulations ng OTOP Law.

Nasa 37 micro, small and medium enterprise ang nakibahagi sa bazaar, kung saan ibinida ang iba’t ibang ipinagmamalaking produkto ng mga probinsya.

Maliban sa mga delicacy ay may hand made products din na ibinebenta.

Nakibahagi rin sa bazaar ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan makakabili ng mga produktong gawa ng persons deprive of liberty (PDLs).

Paalala pa ni Mariño at Baluyot na ang pagbili sa OTOP ay paraan ng pagsuporta sa ating mga MSME, at may ambag sa pagpapalago ng ating ekonomiya.

Tatagal ang OTOP Bazaar mula November 28 hanggang November 30. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us