Pagkakatanggal ng nasa 80,000 baranggay health workers matapos ang BSK Elections, idinulog sa DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina para masolusyonan ang serye ng panibagong tanggalan ng mga baranggay health worker (BHW).

Aniya nakatanggap siya ng mga ulat sa mga nangyaring tanggalan ng BHW matapos mapalitan ang Baranggay captain kasunod ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.

Para sa mambabatas ang pag-alis sa may 80,000 na BHW ay magpapahina lang sa healthcare system ng bansa.

Imbes aniya alisin ang mga BHW na sumailalim na sa training at bihasa na ay dapat itong dagdagan.

Katunayan, kulang aniya ang BHW sa bansa.

“Dapat kasi, the number of BHWs to the total barangay population should be at least 1%. If a barangay has a population of 2,000 that barangay should have at least 20 BHWs,” paliwanag ni Co.

Hanggang nitong July 2023, sa 112 million na populasyon, ay mayroon lang 200,000 na BHW.

“This is yet another reason the dismissal of over 80,000 BHWs is against the national interest and possibly against the constitutional imperative on the provision of basic health care to Filipinos because removing 80,000 BHWs weakens the country’s frontline public health care,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us