Nagpapatuloy ang aftershocks kasunod ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Cagwait Surigao del Sur kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, as of 8AM, ay umabot na sa 54 ang naitalang aftershocks kung saan 13 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula Magnitude 1.8 hanggang 5.6.
Una nang nilinaw ng PHIVOLCS na hiwalay ang tumamang lindol sa Cagwait sa naramdamang malakas ding pagyanig sa Hinatuan noong Sabado ng gabi.
Samantala, sumampa na sa 1,692 ang naitalang aftershocks kasunod ng Magnitude 7.4 na pagyanig sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula Magnitude 1.4 hanggang 6.6.
Nasa 18 aftershocks din ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa