Nagsasagawa na rin ang Department of Agriculture (DA) ng damage assessment sa mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao de Sur noong December 2.
Ayon sa DA, nakikipag-ugnayan na ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) maging sa mga regional office nito upang matukoy ang epekto ng malakas na lindol sa agricultural sector.
Kasabay nito, sinimulan na rin ng DA ang paghahanda ng intervention at tulong para sa mga maaapektuhang magsasaka at mangingisda sa lugar.
Hanggang sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang nararamdamang aftershocks sa bahagi ng CARAGA dahil sa tumamang malakas na lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa