Patuloy ang ugnayan ngayon ng pamahalaan at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng aniya’y pag-atake sa kapayapaan bilang paglalarawan sa pinakabagong insidente ng karahasan.
Ayon sa Pangulo, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng national government sa kinauukulang lokal na pamahalaan para sa mabilisang aksyon laban sa mga nasa likod ng malagim na insidente ng pambobomba.
Una dito ay nagpaabot na ng pasasalamat ang Pangulo sa agarang pagtugon ng BARMM at ng concerned LGUs para sa mga biktima ng karahasan sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo, mga dayuhang terorista ang nasa likod ng malagim na insidente na kung saan ay inihayag ng AFP na anggulo ng retaliatory attack ang Isa sa nakikitang motibo ng pambobomba. | ulat ni Alvin Baltazar