Higit 2,000 tricycle drivers at delivery riders sa QC, tumanggap ng gift packs mula sa OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 2,500 na tricycle drivers at mga TNVS at delivery riders ang tumanggap ng gift packs mula kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng isinagawang serye ng gift-giving ng Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City ngayong umaga na pinangunahan ni OVP Director for Operations Norman Baloro.

Ayon kay Director Baloro, layon ng aktibidad na mabigyan ng tulong ang mga nasa marginalized sector kabilang ang PDLs, solo parent, out-of-school youth, at mga nasa transport sector.

Ngayong umaga, unang nahatiran ng tulong ang 1,500 tricycle drivers mula sa Batasan Tricycle Operators and Drivers Association (BATODA).

Sunod namang nabigyan ang mga rider mula sa Angkas, Food Panda at Joyride sa serbisyong Bayan Park, Batasan Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Director Baloro, mas pinalawak ngayong taon ng OVP ang pamamahagi ng gift packs sa vulnerable sector sa tulong ng 10 satellite office nito.

Katunayan, mula sa 25,000 benepisyaryo noong nakaraang taon, inaasahang aabot sa 200,000 na pawang mga nasa marginalized sector ang makikinabang sa distribusyon ng gift packs ngayong 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us