PNP, nangakong pananagutin sa batas ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa MSU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na kanilang ihahatid ang hustisya sa mga biktima ng walang habas na pagpapasabog sa loob ng Mindanao State University compound sa Marawi City kahapon.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, nang pangunahan nito ang flag raising ceremony sa Kampo Crame kaninang umaga kaalinsabay ng Human Rights Consciousness Week.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Acorda na dapat magkaisa ang pulisya sa kanilang pangako na igalang at pahalagahan ang karapatang pantao anuman ang lahi, kasarian o relihiyon

Pinaalalahanan pa niya ang mga pulis na laging alalahanin ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Giit pa niya, ang nangyaring insidente ay patunay lamang na kailangang panatilihin ang dignidad, kalayaan at katarungan para sa lahat.

“In light of the recent explosion at Mindanao State University where 4 lives were lost and several injuries occurred, we must unite in our commitment to respect and value human rights irrespective of race, gender or religion.

This incident highlights the importance of upholding dignity, freedom and justice for all. The PNP wholeheartedly joins this call underscoring our collective responsibility to safeguard human rights. Together let us boldly stand as unwavering defenders of human rights in the face of adversity.

We solemly assure the public that justice will prevail for the victims and those accountable will face the consequences of their actions.” bahagi ng pahayag ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us