Higit 70,000 pamilya sa Caraga Region ang naitala na naapektuhan sa magnitude 7.4 na lindol at sunod-sunod na aftershocks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Base sa pinakahuling situational report ng Office of Civil Defense o OCD Caraga, aabot sa 70,195 pamilya o 288,061 indibidwal sa rehiyon ang naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol at sunod-sunod na aftershocks.

Mayroon ding 17,203 pamilya o 67,557 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers partikular na sa Surigao del Sur at Agusan del Norte.

Napag-alaman din na ang kabuuang bilang ng mga nasirang bahay sa Caraga ay 845, kung saan 102 ang totally damaged at 743 ang partially damaged.

Samantala, suspendido rin ang klase at trabaho ngayong araw sa rehiyon alinsunod sa abiso na inilabas ng mga lokal na pamahalaan.

Patuloy pa rin ang pagsagawa ng monitoring at assessment sa mga member agencies ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang area of responsibility. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us