1.5-M pasahero, inaasahan ng PITX ilang linggo bago mag-Pasko at Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan na ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX na posibleng umabot sa 1.5 milyon ang mga pasaherong dadagsa sa terminal upang mag-bakasyon ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, inaasahan na nilang aabot sa 1.3 hanggang 1.5 milyong pasahero ang daragsa sa kanilang terminal mula Disyembre 15 hanggang 29.

Dagdag pa ni Salvador na posible pa itong mapaaga depende sa sitwasyon ng mga pasahero.

Ani pa ni Salvador na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang umagapay sa ilalatag nilang contingency plan kung sakaling kapusin ang mga bus na ide-deploy ngayong holiday season. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us