Petisyon sa taas-pasahe sa MRT3, isusumite ngayong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC General Manager Jorjette B. Aquino na muli silang magsusumite ng petisyon para sa taas -asahe sa MRT3 sa susunod na taon.

Sa isinagawang press briefing sa MRT Depot, sinabi ni Asec. Aquino, matapos ang kanilang reassessment ay nagdesisyon silang maghain muli ng petisyon sa DOTr Rail Regulatory Unit ngayong linggo para sa dagdag na P2.29 boarding fare at P0.21 kada kilometro na katulad lang din ng petisyon na inaprubahan para sa taas-pasahe sa LRT1 at LRT2.

Katumbas ito ng P16 na minimum charge para sa biyaheng North Avenue station patungong Quezon Avenue mula sa kasalukuyang P13 habang P34 naman na bayad mula North Ave., hanggang Taft Avenue station.

Ilalaan naman aniya ang taas-pasahe sa pagpapabuti pa ng maintenance at operations ng MRT3 kabilang ang dagdag na configuration sa train sets.

Bukod dito, tinukoy rin ni Asec. Aquino na mababawasan ang nilalaang subsidiya ng gobyerno para sa MRT3 kung maaprubahan ang taas-pasahe.

Sa oras na mabigyan na ng go signal ay inaasahan ng MRT3 management na maipatupad ang taas-pasahe sa Marso o Abril ng 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us