NCRPO, muling tiniyak ang seguridad sa Metro Manila matapos ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., nagpapatuloy ang heightened alert ng NCRPO sa buong Metro Manila bago pa man ang nangyaring pambobomba sa Marawi City.

Dagdag pa ni Nartatez, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng police visibility sa shopping malls at pampublikong lugar lalo na ngayong holiday season.

Sa huli tiniyak naman ni Nartatez, na patuloy silang naka-monitor sa anumang magiging banta sa seguridad hingil sa natruang pambobomba at ngayong nalalapit na Pasko at Bagong Taon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us