Pinalakas na trilateral maritime patrols at intelligence sharing, tinalakay ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ang pinalakas na trilateral maritime patrols at intelligence sharing sa ika-28 pagpupulong ng Indonesia-Malaysia-Philippines (INDOMALPHI) Joint Working Group (JWG) on the Trilateral Cooperative Arrangement (TCA), sa Dusit Thani Hotel sa Makati.

Ang pagpupulong na “hosted” ng Department of National Defense (DND) ay layong mapalakas ang kooperasyon ng tatlong bansa sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa seguridad sa “maritime areas of common concern”.

Pinuna ng mga delegado, na mula nang maitatag ang Trilateral Cooperative Arrangement ay nagkaroon ng pagbaba ng mga insidente ng kidnap for ransom sa karagatang sabayang pinapatrolya ng tatlong bansa.

Sa katunayan, hanggang nitong Nobyembre 2023 ay zero-incidents ang iniulat sa Area of Maritime Interest (AMI).

Bukod sa pagpapalakas ng koordinasyon, tinalakay din ng grupo ang pag-secure ng komunikasyon sa pagitan ng mga command center ng tatlong bansa.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay kinabilangan ng mga opisyal ng DND, Department of Foreign Affairs (DFA), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police PNP), at National Coast Watch Center (NCWC). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us