Bilang ng mga nahuhuling motorista na lumalabag sa EDSA Bus Lane, nababawasan na – MMDA  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nababawasan na ang mga pasaway na motorista na nahuhuling dumadaan sa EDSA Bus Lane.

Batay sa datos ng MMDA, aabot sa 60 pataas ang kanilang nahuhuling pasaway na mga motorista na dumadaan sa EDSA Bus Lane kapag sapit ng alas-8:30 hanggang alas-9 ng umaga noong nakaraang linggo.

Pero hanggang kaninang alas-11 ng umaga, nasa 29 lang ang kanilang nahuli sa isinagawang operasyon ng MMDA sa Taft, Pasay City hanggang sa Cubao, Quezon City.

Sa bilang na ito 26 ang mga motorsiklo, at tatlo ang four wheels.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations David Vargas ito ay dahil sa pinaigting na operasyon ng ahensya laban sa mga pasaway na mga motorista na dumadaan sa EDSA Bus Lane, at pati na rin ang mataas na multa sa mga ito.

Sinabi rin ni Vargas, na paiigtingin ng MMDA ang anti-illegal parking operations nito sa kabahaan ng Mabuhay Lanes na alternatibong ruta para sa mga motorista na ayaw dumaan sa EDSA. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us