Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat ipaubaya na muna sa mga otoridad ang imbestigasyon sa pambobomba sa Mindanao State University

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat munang hayaan ang mga otoridad sa pag-iimbestiga ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo.

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa tanong kung iimbestigahan ba ng kanyang komite sa Senado ang naturang pangyayari.

Giit ni dela Rosa, hindi na muna dapat makialam ang Kongreso sa imbestigasyon.

Binigyang diin ng mambabatas, na mas mainam na hayaan na munang matapos ng pambansang pulisya ang kanilang criminal investigation sa insidente bago magkasa ng legislative inquiry.

Nanawagan naman si Senador Nancy Binay sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, na paigtingin ang kanilang intelligence efforts at kanilang laban kontra sa mga criminal, at mga grupong nananakot sa lipunan.

Una nang kinondena ng mga senador ang nangyaring pambobomba sa MSU, kasabay ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa insidente. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us