Finance Sec. Diokno, binigyang halaga ang paglalaan ng pondo para sa climate action ng mga developing countries gaya ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na   malaki ang tungkuling ng mga Finance Ministers sa paglalaan ng pondo para sa climate action.

Ito ang kanyang mensahe sa ginanap na  2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) Finance Day sa Dubai.

Ayon kay Diokno, mahalaga para sa mga Finance ministers ng bawat bansa na pataasin ang pondo para sa climate finance lalo na sa mga developing countries gaya ng Pilipinas upang makamit ang layunin ng Paris Agreement o COP21.

Sa ilalim kasi ng kasunduan, kailangang limitahan ang  pagtaas ng global average temperature ng below 2-degrees Celsius above pre-industrial level at maiwasan na tumaas sa 1.5-degrees Celsius above pre-industrial levels.
 
Ayon kay Diokno  kailangan ng  innovative sources sa climate financing  para iaugment ang kinakailangan sa climate action.

Para sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Nationally Determined Contribution (NDC) nag-commit ito ng pagbawas ng green house reduction ng 75 percent mula sa taong 2020 hanggang 2030  sa sector ng agriculture, waste, industry, transport, at energy.

Base sa repot na kinomisyon ng gobyerno ng United Kingdom at Egypt, kailangan ng mga developing countries ng $2-trillion US dollars para sa climate funding hanggang 2030 upang matupad ang target ng Paris Agreement.

Ibinahagi naman ni Diokno na kailagan na i-scale up ang climate finance  sa pamamagitan ng full alignment ng financing at investment with national climate plans and development agenda; sistematikong paglalaan ng financial resources, mobilization ng pribadong sector para sa climate-smart infrastructure.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us