Gen. Brawner, pinangunahan ang AFP 88th anniversary fun run ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang AFP fun run ngayong umaga sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo.

Ang aktibidad ay bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-88 Anibersaryo ng AFP sa Disyembre 21.

Kasama sa mga lumahok ang Uniformed personnel at Civilian Human Resources mula sa AFP Major Services, Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gen. Brawner ang lahat ng sumuporta sa AFP fun run.

Sinabi ng Heneral na umaasa siyang magkakaroon pa ng mas maraming pagkakataon na magakasama-sama ang mga miymebro ng unipormadong serbisyo sa mga masasayang aktibidad ngayong panahon ng pasko. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us