Nagbukas na muli ang Hinatuan Enchanted River isang linggo matapos ang 7.4 magnitude na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbukas na muli kahapon, Disyembre 12 ang Hinatuan Enchanted River and Underground Cave System (HERUCS) isang linggo matapos isara dahil sa nangyaring 7.4 magnitude na lindol.

Matatandaang isinara ang nasabing tourist destination ng isang linggo upang bigyang daan ang ginawang damage assessment sa buong lugar at masegurong ligtas sa lahat ng dadayo doon.

Ayon kay Hinatuan Mayor Shem Garay, kailangan ang masusing inspection dahil maliban sa ilog ay mayroong underground cave sa mismong enchanted river kung kaya’t mahalagang malaman na hindi ito apektado sa malakas na lindol.

Sa pagbukas muli ng Enchanted River at iba pang resorts ay sumigla rin muli ang sektor ng turismo sa nasabing bayan, at sa buong Surigao del Sur. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag

📷: LGU Hinatuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us