Pinarangalan sa Kuala Lumpur, Malaysia ang Gintong Alay bilang parte ng Sports Flame o ang reunion ng mga Sports Legends sa timog silangang Asya noong 60’s, 70’s at 80’s.
Sinabi ni Laoag City Mayor Michael Marcos Keon na siya ring Executive Director ng nasabing programa, hanggang ngayon, napag-uusapan pa rin ng Malaysian Sports Federation ang mga nagawa ng nasabing programa upang mas mapaigting ang pagiging competitive ng kanilang atleta.
Nasa 200 na mga atleta, at asawa ng mga yumao nang sports Legend ang dumalo sa pagtitipon
Napag alaman na ang nasabing piging ay dinaluhan din nina Malaysian King Tengku Abdullah ibni Tengku Ahmad Shah, at ang kanyang Reyna na si Tunku Azizah Aminah Maimunah Iskandariah.
Ang Gintong Alay ay nailunsad sa panahon ni Former President Ferdinand E. Marcos na kung saan naging produkto sa nasabing programa ay sina Asia’s Sprint Queen Lydia De Vega at 2 time Olympian Isidro Del Prado. | ulat ni Jude Pitpitan | RP1 Laoag
Photos: Laoag LGU