Limang araw bago ang Pasko ay pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proposed ₱5.768-trillion peso-budget para sa susunod na taon.
Kinumpirma ito ni House Speaker Martin Romualdez sa panayam ng Philippine media delegation.
Sinabi ng lider ng Kamara na transmitted na sa Office of the President ang Bicameral Conference Committe version ng Pambansang budget para sa 2024.
Kaugnay nito’y kumpiyansa ang House Speaker na walang ive-veto ang Pangulo sa anomang bahagi ng panukalang pondo para sa susunod na taon.
Naging mahigpit aniya ang talakayan at ugnayan dito ng Bicameral Committee sa Office of the President at lahat ng departmento ng pamahalaan habang isinasaayos ang version ng 2024 National Budget. | ulat ni Alvin Baltazar