Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umakyat sa 14,211 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan hanggang kaninang hatinggabi.
Ito na aniya ang ikalawa sa pinakamataas na gas emission sa bulkan ngayong 2024.
Nananatili ring malakas ang pagsingaw sa Taal Volcano na may 900 metrong taas at patuloy ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Sa kabila nito, wala naman naitalang anumang volcanic earthquake sa bulkan sa nakalipas na mga oras.
Nasa ilalim pa rin ng Alert level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa