Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pag-turn over sa PNP ng apat na bagong Toyota Innova vehicles at 28 units ng 55-inch televisions mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI).
Ang mga kagamitan ay tinurn-over kahapon sa Camp Crame ni Director Jose Chiquito M. Malayo, ang Presidente at CEO ng PSMBFI, bilang pagsuporta sa peace and order campaign ng PNP sa mga komunidad.
Ang mga sasakyan ay para sa Philippine National Police Training Institute (PNPTI), Philippine National Police Academy (PNPA), Explosive Ordnance Disposal/K9 Group (EOD/K9 Group), at Chief Executive Senior Police Officer (CESPO), habang ang mga telebisyon ay ipapamahagi sa iba’t ibang National Support Units (NASUs) at National Operational Support Units (NOSUs).
Kasabay nito, lumagda rin si Gen. Acorda sa isang memorandum of agreement kasama si Tiger Resort, Leisure and Entertainment, Inc President Mr. James G. Lorenzana, para sa donasyon ng Okada Foundation na Radio Communication Equipment na nagkakahalaga ng P10 milyon, drones at drone jammers na kaparehong halaga.
Ayon kay General Acorda, ang mga natanggap na donasyon ay magpapalakas sa operational capability ng PNP. | ulat ni Leo Sarne
📷: PNP-PIO